My Everything

Mula pagkabata ay kaibigan na ni Riegette si Jarvis—kahit pa madalas silang hindi magkasundo, kahit pa mayaman ito at anak lang siya ng isang katulong. Isang araw, natuklasan na lamang nilang mahal na nila ang isa't isa. Higit pa iyon sa pagmamahal-kaibigan. Ang akala niya ay magiging maayos ang relasyon nila. Pero katulad ng inaasahan, hindi sumang-ayon ang lahat sa relasyon na iyon. Niyaya siyang magtanan ni Jarvis....

Continue reading

Bittersweet

Janis had been secretly in love with Matteo. Pero may nakapagitan sa pangarap niyang makamit ang puso ng lalaking minamahal—si Peigh, ang best friend niya at fiancée naman nito. Alam niyang mali ang ibigin ito ngunit ayaw paawat ng puso niya.Ngunit nang mamatay si Peigh sa isang aksidente, nagkaroon siya ng pagkakataong ipadama kay Matteo ang pagmamahal niya rito nang unti-unti itong mahulog sa depresyon dahil sa pagkamatay ng kaibigan...

Continue reading

Getting Real

Natuklasan ni Jillian na mahirap pala talagang magpakatotoo sa showbiz nang matagpuan niyang umiibig siya kay Paul Vincent Alcaraz o “Enteng,” ang kanyang matalik na kaibigan at dating ka-love team. Sinubukan niyang kalimutan na lamang ang damdaming iyon ngunit hindi niya magawa. Patuloy na lang siyang umasa na mamahalin din siya nito balang-araw—na darating ang panahon na hindi na sila sasagot sa mga reporters na “magkapatid” lang ang...

Continue reading

Undying Love

“I never stopped loving you. I’ll probably love you for all eternity, too.”Minahal ni Sassa si Phillip sa kabila ng napakaraming hadlang sa pagitan nila. Tila hindi gusto ng langit at tadhana na magkasama sila. Iniwan siya nito nang hindi na nito nakayanan ang mahirap na sitwasyon. Ang sabi nito ay hindi nito kayang mahalin ang kapatid na babae ng lalaking sumira sa buhay ng kapatid nito.Lumipas ang mga taon. Sa kabila ng galit,...

Continue reading

My Angel

Dumating si Jeremiah sa buhay ni Jacyl na tila anghel na sugo ng Diyos. Binigyan siya nito ng pag-asa, ng rason upang patuloy na mabuhay. Dahil sa tulong nito, nakabangon siya mula sa lusak at nagkaroon ng bagong buhay.Umibig siya rito. Hindi naman maiiwasan iyon. Ito na yata ang pinakamabuting tao na nilalang ng Diyos. Ito na rin yata ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo.Ngunit kahit gaano niya kamahal ito, alam niyang hindi...

Continue reading